ANG DATING DAAN: Malubak at masukal na daanan. |
Annnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnnn
Iniimbitahan ko kayong sumakay at sumamang maglakbay sa kasaysayan mula noon hanggang sa kasalukuyang kaunlaran ng banaag kong tinubuang Barangay Rizal Poblacion sa bayan ng Banga..!
Lubak- lubak na daanan, sakmal na karahasan, walang disiplina sa kalinisan, walang kapayapaan.. Eto ang Barangay Rizal (Pob.), Banga, South Cotabato noon. Ano na nga ba ang aming barangay ngayon?
Isang pagsisiyasat sa baul ng kasaysayan, taong 1989, naihalal na punong kapitan si Hon. Felix G. Inocente. Sa kanya ikinabit ang malaking responsibilidad na paunlarin ang barangay. Kasabay sa pagtupad nito ay ang mga Brgy. Kagawad na kanyang nagging mga alalay: Joseph A Franco, Veto Mendoza, Lucas D. Berbecho, Mamerto A. Algbay, Sherwin C. Elegio, at Antonio C. Mondejar.
Sila ang mga tagapangasiwa ng susi tungo sa tagumpay. Hindi napahiya
ang kauna- unahang opisyales ng barangay. Maraming proyekto ang naisakatuparan.
Ilan sa mga ito ay ang pagpatayo ng tulay sa Purok “Ite” na dinadaluyan ng ilog
Rizal, naitayo ang barangay hall, nagbigay ng scholarship sa
nangangailangan, at libreng pamigay ng bigas. Lubos na ikinatuwa ng mga tao ang
matagal nang pinoproblemang delikadong tulay. Matapos ang dalawang terminong
umupo ang administrasyong Inocente, muli siyang naihalal na kapitan taong 1995.
Dito ipinagpatuloy niya ang nasimulang pamamalakad. Hindi lang dito natapos ang
kanyang pamamayagpag.
Tinagurian siyang “Undefeated Brgy. Captain” taong 2002 nang napataob niya ang katunggaling si Kgwd. Mamerto A. Alagbay. Naging SK tsirman si Philbart N. Vinson; Grgy. Treasurer si Rosemarie Palandangan; Sekretarya si Lacido Lofranco; naging brgy. Midmife ang kanyang asawa na si Leila V. Inocente R.H.M. Lumipas ang mga Segundo, minuto, araw, taon ay muling dumating ang eleksyon. Naging kalaban nya sa pwesto bilang kapitan ang baguhang si Pedro G. Bolivar III.
Dito natapos ang pagkinang ni Felix Inocente at umusbong naman ang bagong paraan ng pamamalakad. 2010-2013. Mga taong na kanilang pagsisilbihan. Terminong nakapag- ukit ng isang kasaysayan sa Brgy. Rizal.
HON. PEDRO G. BOLIVAR III. Kasalukuyang Brgy. Captain ng Rizal Poblacion. |
HON. NINFA DARAS- SINOY. Kauna- unahang babaeng kagawad sa historia ng Brgy. Rizal |
Sa ilalim ng partido ni Bolivar ay naihalal ang kauna- unahang babaeng sumabak at nakapagkamit ng unang pwesto sa pagkakagawad.
Siya si Ninfa Daras- Sinoy, retaradong MAPEH titser sa Purok Rizal Elem. School (PRES). Sunod sa kanya ay sina Hon. Edelito Bullo, Hon. Veto Mendoza, Hon. Desiderio Aljas, Hon. Reynaldo Yanson, Hon. Antonio Mondejar, Hon. Mamerto Alagbay, naihalal namang SK Tsirman si Mark John Agramon, Brgy. Secretary- Gerald Boy Amami ,Brgy. Treasurer- Mercy Guadalupe.
ANG PAMBUNGAD: Pambungad ng Barangay Rizal Poblacion Hall na naghihikayat sa mga nagdaraan na tuklasin ang hiwaga sa likod ng kanyang papaunlad na sistema at ganda. |
WANNA RIDE? The Brgy. Rizal Pob. transport service serves its constituents at its best. |
POPULASYON
Ang Brgy. Rizal (Pob.) ay nahahati sa 11 mga Purok at Sitio. Ang
kabuuang populasyon ay __________.
Purok Ite ........................................ Purok Bagong Lipunan ..............
Purok Ite ........................................ Purok Bagong Lipunan ..............
Purok MAdonna ............................. Purok Malipayon ..............................
Purok Pag-asa ................................ Sitio Bagong Silang .........................
Purok MAharlika .............................. Purok Bliss .....................................
Purok Pedregosa ........................... Purok Bayanihan .................. Sitio Solomon .................................
Purok Pedregosa ........................... Purok Bayanihan .................. Sitio Solomon .................................
( Datos na aking nakalap mula sa
Kumakalam na sikmura, nanlulumong mga mata, at tila walang batid na sakripisyo dulot ng kahirapan ay mga ilan lang sa mga imahe ng Barangay Rizal Pob., Banga, South Cotabato. Siya si Nonoy. Pitong taong gulang na di nakapag-aral dala ng kahirapan. Pangalawa siya sa walong magkakapatid. Ayon sa datos na nakalap ng NSCB o National Statistical Coordination Board,milyong pamilya sa Pilipinas ang nakararanas ng kagutuman bunsod ng kahirapan sa ating bansa. Apat sa bawat sampung Pilipino ay nasa edad na 0 – 17. Malaking bahagi sa bilang na ito ay ang mga bata (42%).
Dahil dito, nagbigay ng panandaliang tugon ang Barangay Officials. Naglunsad sila ng ’feeding program’ sa tulong BCPC at taong may bukas palad sa komunidad. Upang lalo pang mapaunawa sa mga magulang ang kahalagan ng pagpaplano, hinimok ni Brgy. Captain Pedro G. Bolivar na mag “Family Planning”.
Bunsod nito, maraming kabataan ang hindi nakakapag- aral dahil sa murang edad pa lamang ay talamak na ang ' child labor'. Mula sa datos na aking nakalap sa Purok Rizal Elementary School, Brgy. Rizal, Pob. Banga, South Cotabato, bahagyang bumaba ng 2% ang populasyon ng mag-aaral ayon sa 2012 enrollment rate na isinagawa noong pasukan. Sa dating 456 pupils ay naging 398 na lamang sa ngayon.
PLANT BOX PROJECT
PLANT BOX: Mula sa ideya ng masining na pag-iisip. |
Nilayon ng Proyekto na pagandahin ang Barangay Rizal Pob. sa pamamagitan ng Plant Box at maibantala ang pagsunod sa R.A 1364, kilala sa tawag na " Sanitary Engineering Law".
PROYEKTO NG NAKALIPAS: ito ang proyekto ng former SK officials sa liderato ni Ms. Love Dioquino, SK tsirman |
Matatagpuan ang mga Plant Boxes na ito mula sa pambungad ng Barangay Hall hanggang Purok Maharlika, Purok Pag-asa, at Purok Malipayon. Dagdag pa rito, nagkakahalaga ng Php. 70, 000 ang kabuuang konstruksyon ng Plant Boxes. May tanim itong bougambilla na itinanim ng mga SK kagawad. Ayon sa ilang mga residente, " Dahil sa Proyektong ito, mas lalo pang gumanda at kaaya- ayang tingnan ang bawat sulok at kalsada dahil sa proyekto nitong Plant Boxes." Kaya kung nais mong maglakbay sa papaunlad na paraiso at tanging kagndahan ang inaasam, ba't di mo subukang tuklasin ang hiwaga sa likod ng tinubuan kong Barangay Rizal Pob. Banga, SoCot, Philippines.
---------------------------------------
ROAD WIDENING
PANGKABUHAYAN
ROAD WIDENING
Baha... Soil Erosion... Ilan lamang ito sa mga scenariong madadatnan kapag humagupit ang malakas na ulan. PUTIK ang palaging dinadaing ng mga residente kung kaya't nagkaroon ng Road Widening Project. Ang pangunahing layon ng projektong ito ay mapalawak ang daanan at mabigyan ng daan ang tubig ulan sa tuwing darating ang malakas na ulan. Sa pamamaraang ito ay maiwasan ang labis na pagbaha at soil erosion sa mga kalsadang kalimitan ay binabaha. Kabilang rito ang daanan sa harapan ng Purok Rizal Elem. School patungong Purok Maharlika at Purok Bayanihan.
PANGKABUHAYAN
Tanyag ang bayan ng Banga sa tawag na Corn Capital ng
Pilipinas. Ang bayan ng Banga ay makakapag- produce ng dalawampung libong metric tons ng mais sa loob ng isang taon. Kabilang na rito ang Barangay Rizal Poblacion na isa sa mga nangungunang
tagaluwas ng mais. Ayon kay former Municipal Mayor Isidro Janita datos, sa humigit labing- isang libong ektaryang lupain sa nasabing bayan ang natataniman ng mais, 1.8% nito na nagmumula sa barangay.
CELEBRITIES BORN/RAISED
Philip Caesar Nadela
Kilala sa tawag na " Philip Nolasco". Nakatira ang pamilya Nolasco sa Purok Bagong Lipunan Banga, South Cotabato. Pumasok siyang kindergarten sa Barangay Rizal Pob. Day Care Center taong 2002. Bata pa lamang si Philip ay nakitaan na ito ng kagalingan sa pagkanta dahilan upang makapasok sa ABS- CBN's Pinoy Dream Academy at itinanghal biang LITTLE GRANDSTAR DREAMER!
Brgy. Rizal Hall, giniba!
CELEBRITIES BORN/RAISED
Philip Caesar Nadela
Kilala sa tawag na " Philip Nolasco". Nakatira ang pamilya Nolasco sa Purok Bagong Lipunan Banga, South Cotabato. Pumasok siyang kindergarten sa Barangay Rizal Pob. Day Care Center taong 2002. Bata pa lamang si Philip ay nakitaan na ito ng kagalingan sa pagkanta dahilan upang makapasok sa ABS- CBN's Pinoy Dream Academy at itinanghal biang LITTLE GRANDSTAR DREAMER!
Brgy. Rizal Hall, giniba!
Nanlulumo sa